COMELEC BIGONG ITAGUYOD BATAS SA PARTY-LIST SYSTEM – – SOCIALISTA

TINULIGSA ng mga miyembro ng grupong Socialista ang Comelec dahil sa kawalan anila ng kakayahan na itaguyod nang tuwiran ang batas ng party-list system, na kakatawan sa marginalized at underrepresented sector sa Kongreso.

Ito ay dahil lumilitaw na mayorya sa 156 party-lists na inaprubahang lumahok sa susunod na halalan ay nahahanay sa political dynasties at mayayamang negosyante.

Nagsagawa ng kilos protesta ang may 50 kasapi ng Kilusan ng Manggagawang Socialista (SOCIALISTA) Inc. at nagpiket sila sa harapan ng tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila nitong Miyerkoles.

Lubhang simpleng pamantayan at rekisitong nakatakda sa Election Code ng Comelec kaya madaling nakalalahok sa party-list system ang mga elitistang trapo lalo na ‘yung mga politiko natapos ang termino bilang District Representative o opisyal sa Pamahalaang lokal, ayon kay Ding Villasin, tagapagsalita ng Socialista.

“Ang linaw ng sinasaad ng R.A 7941 Party List System Act, na lumahok ang iba’t ibang organisadong organisasyon, samahan o grupo, na itinuturing bilang marginalized sector, at underrepresented sector, katulad ng manggagawa, maralitang taga-lungsod, mangingisda, magsasaka, kababaihan, kabataan, katutubo, OFW, PWD, Senior citizens, beteranong sundalo, professional at iba pang organisasyon sa antas, district, regional at national, pero nasalaula lang ito ng Comelec,” saad ni Villasin.

Isa sa political dynasties na tinukoy ng militanteng grupo ang Agimat Party-list na itinayo ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. at ang unang nominado nito ay ang kanyang anak na si Congressman Bryan Revilla. Ang ina ni Bryan ay si Congresswoman Lani Mercado ng 2nd District ng Cavite.

Base sa research nina Teresa S Encarnacion at Eduardo C Tadem, kapwa professor sa University of the Philippines, ilang dekada na ang pamamayagpag ng political dynasties ay nagbubunga ng patronage na pulitika at katiwalian, walang malaking hakbang ang ginawa upang matugunan ang isyung ito.

Ang problemang ito ay pangunahing nagmumula sa tatlong salik: (1) ang mga pundasyong pampulitika at sosyo-ekonomiko kung saan itinayo ang mga dinastiya sa pulitika; 2) ang kawalan ng kakayahan na epektibong ipatupad ang mga probisyon ng konstitusyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapatibay ng batas na nagbibigay-daan; at 3) ang kahinaan ng mga potensyal na countervailing na pwersa na hahamon sa political dynasties.

7

Related posts

Leave a Comment