DIRECT FLIGHT PATUNGONG PARIS, LONDON BUBUKSAN

NANINIWALA ang Department of Tourism na hindi lamang makadaragdag sa trabaho kundi sa paglago ng turismo at ekonomiya ang binuksang direct flight mula Manila patungong Paris, France, at London, England.

Inaasahan din na maraming resort at hotel ang naghahanda para sa pagdami ng mga European tourist na magtutungo sa bansa.

Ayon kay Tourism Sec. Christina Garcia Frasco, nagsagawa na rin siya ng pakikipag-ugnayan sa French Embassy para iparating ang pagkakaroon ng direct flight sa dalawang bansa.

Sa ngayon ay nasa Top 8 ang arrival ng mga European tourist sa bansa at posibleng tumaas pa ito.

Ang mga tourist destination na posibleng puntahan ng European tourist ay ang Cebu, Palawan, Siargao, Batangas, Bohol at Negros Oriental. (JOCELYN DOMENDEN)

29

Related posts

Leave a Comment