(NI BERNARD TAGUINOD)
INTERESADO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na malaman ang dahilan ng sunog sa Bureau of Custom (BOC) noong Sabado ng gabi lalo na’t mayroon umano ng mga kasong iniimbestigahan sa ahensya.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers, chair ng House committee on dangerous drugs, nais umano nitong malaman kung anu-anong mga dokumento ang nasunog sa 10 oras na sunog sa BOC.
“Paimbestigahn talaga dapat ang source ng apoy dahil di maitatago na isipin ng mga tao na sinadya ang pagkaka -sunog para ang mga imporyante na mga ebidensya sa mga kasong iniimbestgahan (mawala),” ani Barbers.
Wala pang pormal na report ang BOC kung ano ang sanhi ng sunog sa kanilang gusali sa Port Area, Manila at kung anu-anong mga dokumento ang nasunog.
Nais din malaman ng kongresista kung mayroon mga ebidensyang nawala sa sunog lalo na sa mga kasong iniimbestigahan kaya interesado ito sa iuulat ng nasabing ahensya sa publiko.
Si Barbers ang nag-imbestiga sa dalawang shabu smuggling sa BOC sa nakalipas na dalawang taon o noong 2017 at 2018 na nagkakahalaga ng mahigit P16 Billion.
Unang dumating ang P6.4 Billion na shabu sa bansa noong Mayo 2017 at idinaan ito sa express lane o green lane na naging dahilan para magbitiw sa kanyang puwesto si dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon.
Noong Agosto 2018, dumating ang mga magnetic lifter sa BOC na naglalaman ng shabu na ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay aabot ngP11 Billion ang halaga kasama na ang mga hindi naabutang droga sa isang warehouse sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.
Unang nanawagan s Misamis Oriental l Rep. Juliette Uy na masusing imbestigahan ang naganap na sunog sa BOC dahil pagdududahan umano ang publiko ito lalo’t notoryus umano ang ahensya a katiwalian.
“Given the notoriety of the Bureau of Customs for graft and corruption, it is understandable for the public to be skeptical about the cause of the fire that has razed the offices of the Bureau of Customs at the Manila Bay Port Area,” ani Uy.
145