EX-PALAWAN GOV SUMUKO SA NBI

HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Palawan Governor Joel Reyes.

Kung matatandaan si Reyes ang itinuturong nasa likod ng pagpaslang sa broadcast journalist na si Gerry Ortega noong 2011.

Si Ortega, na isa ring beterinaryo at program manager ng Philippine Ecotourism Palawan ng ABS-CBN Foundation, ay binaril sa ulo ng nag-iisang gunman noong Enero 24, 2011 sa San Pedro Village, Puerto Princesa City.

Ang broadcast journalist ay kilalang kritiko ng gobyerno laban sa korapsyon noong panahon ni Reyes.

Noong nakaraang taon ay naglabas ng arrest warrant laban kay Reyes ang regional trial court sa Puerto Princesa.

Pinirmahan ni Palawan RTC Branch 52 Presiding Judge Angelo Arizala ang arrest warrant noong Hulyo 20, 2023 matapos ilabas ng Supreme Court first division ang ruling nito noong Marso 29, 2023 na nag-aatas ng pag-aresto kay Reyes para sa pagpapatuloy ng pagdinig ng kanyang kasong pagpatay. (JULIET PACOT)

40

Related posts

Leave a Comment