FUTURE DRUG BUYERS TUTUTUKAN NI ABALOS FUTURE DRUG BUYERS TUTUTUKAN NI ABALOS

ITUTUON ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang illegal drugs campaign ng pamahalaan sa pag-discourage sa future buyers mula sa paggamit ng shabu at iba pang illegal drugs substance.

Sinabi ni DILG Sec. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na ang special focus ay para sa mga kabataan, na para sa kanya ay paboritong puntiryahin ng illegal drugs syndicates.
“Can you imagine, kung kasama mo lahat yung mga (illegal drug) buyers di ba. You will get let’s say to Metro Manila, you will go to the Visayas, you will have so many activities, you will have marathons, arts and culture with the youths,” ang paliwanag ni Abalos.

Binigyang diin ni Abalos ang pangangailangan na maibahagi ang mensahe at ang kahalagahan ng buhay at kung paano ang buhay ay maging maganda na hindi gumagamit ng ilegal na droga at hindi nadadawit sa ilegal na aktibidad. (CHRISTIAN DALE)

—-

79

Related posts

Leave a Comment