LGUs, barangay officials kilos na! LAHAT NG SAGABAL SA KALYE WALISIN -DILG

IPINAG-UTOS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur’ Abalos sa local government units (LGUs) na gawing “free major roads and alternate routes” ang kani-kanilang hurisdiksyon mula sa lahat ng obstructions o sagabal na hadlang sa maayos na takbo ng trapiko.

Ang paggamit aniya sa mga lansangan bilang parking slots para sa mga motorista kabilang na ang harapan ng ng mga business establishment at harap ng bahay ng mga motorista na walang sariling garahe ay nagdudulot ng ‘bottleneck’ sa mga major at alternative roads, lalo na sa Kalakhang Maynila at iba pang urban areas.

Sa mga lalawigan, may ilang  road widening projects ng gobyerno ang nagiging walang silbi dahil ginagamit lamang itong parking slots ng mga motorista kabilang na ang overnight parking.

Giit ni Abalos, ang totoong solusyon para mapagaan ang traffic congestion ay mass transport, itinuro nito ang Light Railway Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), bus carousel system at maging subway.

“So, habang ginagawa pa yung subway, habang pini-prepare pa yung mass transport .. what you have right now is of course manufacturing of cars,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, hiniling naman niya sa DILG Undersecretary for Barangay Affairs na i-monitor ang lahat ng “Mabuhay Lanes” at ipatupad ang  ‘appropriate sanctions’ sa mga barangay official na matitigas ang ulo at non-complying.

Hindi naman binanggit ni Abalos ang pangalan ng DILG Undersecretary for Barangay Affairs subalit sa isang kalatas mula Kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sinabi nito ang naging pahayag ni Executive Secretary Vic Rodriguez, na si Barangay Captain Felicito “Chito” Valmocina ng Holy Spirit, Quezon City ang napili na magsilbi bilang undersecretary ng nasabing departamento.

Binanggit ni Abalos ang pagtaas ng bilang ng mga sasakyan sa major thoroughfares at side streets kada taon na walang ‘volume reduction program’ “as of the moment.”
“So face with that dilemma talagang kailangan magtulungan ang lahat para talagang masugpo itong traffic,” ayon kay Abalos.

Sinabi pa niya na ang face-to-face classes ay maaaring magsimula sa Agosto.

“So you could just imagine the volume of vehicles that will really traverse main thoroughfares of EDSA (Epifanio delos Santos Avenue). We will give support to MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) at of course dito sa ating mga kasamang LGUs (and of course to our LGU partners)” ayon kay Abalos, na tinukoy ang expertise ng MMDA sa traffic management. (CHRISTIAN DALE)

76

Related posts

Leave a Comment