GINANG PATAY SA ‘MISTAKEN IDENTITY

PATAY ang isang 28-anyos na ginang makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman noong Martes ng madaling araw sa Simoun Street, Tondo, Manila.

Kinilala ang biktimang si Jan Marini Cruz ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. John Kevin Zuñiga kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-5:45 ng madaling araw nang pagbabarilin ng suspek ang biktima sa tapat ng bahay nito.

Isinugod ang biktima sa Tondo Medical Center subalit idineklarang dead on arrival ni Dr. Ezexiel Evangelista, attending physician ng ospital.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang mabatid kung “mistaken identity killing” ang nangyari.

(RENE CRISOSTOMO)

228

Related posts

Leave a Comment