Ipinoporma sa Kamara laban sa mga hindi magpapabakuna NO ENTRY SA MALLS, WORKPLACE

DAHIL mayorya pa rin sa mga Filipino ang ayaw magpabakuna, nais ng isang beteranong mambabatas na gumawa ng batas ang Kongreso para protektahan ang mga nabakunahan na laban sa anti-vaxxers o ang ayaw magbakuna ng COVID-19 vaccines.

Ginawa ni Cavite Rep. Elipidio “Pidi” Barzaga Jr. ang nasabing ideya matapos lumabas sa survey ng University of the Philippines-OCTA research team noong Pebrero na 19% lamang sa mga Filipino ang nais magbakuna, 46 % ang ayaw at 35% ang walang desisyon.

“Under the General Welfare clause, the State is mandated to make rules and regulations to protect the lives of the majority of its citizens. A person who is not vaccinated is a risk to the lives of others and to the general community,” ani Bargazaga.

Wala pang inihahain na panukala si Barzaga ngunit base sa kanyang ideya, maaaring magpatupad ng polisya ang employers na ang tanging mga aplikante na nabakunahan ang pwede nilang tanggapin sa kanilang kumpaya.

Pwede rin umanong magpatupad ng regulasyon ang malls at restaurant na tanging ang mga bakunado ng COVID-19 vaccines ang kanilang tatanggapin o papasukin sa kanilang pasilidad.

“Private parks can refuse entrance to those who are not vaccinated and even schools can impose a restriction that its enrollees must be fully vaccinated as a condition for enrollment. Even the right to travel shall be restricted,” ani Barzaga,

Kailangan aniyang gawin ito dahil hindi biro ang banta ng COVID-19, hindi lamang sa buhay ng mga tao kundi sa kanilang kabuhayan dahil ang isang COVID-19 patients ay gumagastos ng P400,000 sa apat na araw na pananatili nito sa hospital

“While others might argue that such law shall be discriminatory – discriminating those vaccinated against those non-vaccinated – nonetheless there shall be no violation of the constitutional rights to due process and equal protection clause. Every individual therefore to avoid adverse consequences must allow themselves to be vaccinated,” ayon pa sa abogadong mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

231

Related posts

Leave a Comment