LALAKI NAHULIHAN NG BARIL SA QUIAPO

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang isang 32-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng baril ng mga tauhan ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, sa Quiapo, Manila noong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Raymond Pantoja, residente ng Barangay 385, Quiapo, Manila.

Batay sa ulat ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Investigation Management Branch (SIDMB), bandang ala-1:10 ng madaling araw nang masabat ang suspek habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad” ang pulisya sa kahabaan ng P. Casal St. sa Quiapo, Manila.

Namataan umano ng mga awtoridad ang suspek na kahina-hinala ang kilos at nang sitahin ay nakumpiskahan ng isang .22 kalibre ng baril na kargado ng bala. (RENE CRISOSTOMO)

119

Related posts

Leave a Comment