LAPU-LAPU CREEK SA CALOOCAN NILINIS

NAKASAMA ng Caloocan City ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa paglilinis sa Lapu-lapu Creek, Barangay 12.

Isinagawa nila ang Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan sa Bagong Pilipinas Program kasama ang mga kawani mula sa City Environmental Management Department (CEMD) at mga barangay.

Nagpapasalamat si Mayor Along Malapitan sa lahat ng nakilahok at umaasang patuloy silang tutulong sa Pamahalaang Lungsod sa paglilinis ng mga kalsada at daluyan ng tubig.

“Lahat po tayo ay may kayang iambag upang makapamuhay tayo sa isang malinis at maaliwalas na pamayanan,” anang alkalde.

(GUILLERMO OCTAVIO)

34

Related posts

Leave a Comment