LRT1, LRT2 MAGKASUNOD NA NAGKAABERYA

(NI KEVIN COLLANTES)

MAGKASUNOD na dumanas ng aberya ang Light Rail Transit Line 1 at Line 2 (LRT-1 at LRT-2) kahapon ng umaga sanhi upang maglimita ng biyahe ang LRT-1 at magsuspinde naman ng biyahe ang LRT-2.

Dakong alas-7:09 ng umaga nang ianunsiyo ng LRT-1 sa kanilang Twitter account na magpapatupad sila ng limitadong biyahe mula Monumento hanggang  Baclaran Stations lamang at pabalik, dahil sa nararanasan umanong mechanical issue sa Roosevelt Station.

Tiniyak naman nito na inaaksiyunan na nila ang problema at pinayuhan ang kanilang mga pasahero na gumawa na muna ng alternatibong plano at nang makarating sa kanilang destinasyon sa takdang oras.

“Limited po ang biyahe ng LRT-1 mula Yamaha Monumento hanggang Baclaran and vice versa,” paabiso ng LRT-1. “Our service in Roosevelt Station is currently experiencing mechanical issues and is now being checked by our technician onsite.  We would like to sincerely apologize for the inconvenience.  Kindly stand by for updates on the servicing situation. Thank you for your understanding.”

Samantala, pansamantala namang nagsuspinde ng kanilang operasyon ang LRT-2 dahil sa apoy na namataan sa carriageway nito sa area ng Quezon City habang nilimitahan naman ng LRT-1 ang biyahe ng kanilang mga tren dahil naman sa dinanas na mechanical issues.

Batay sa inilabas na paabiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), nabatid na dakong 11:24 ng umaga nang pansamantala nilang suspindihin ang kanilang biyahe nang may makitang apoy sa carriageway nito sa pagitan ng Anonas at Katipunan Station.

Sinasabing nagmula ang sunog sa pag-trip off ng Rectifier Substation (RSS) 5 sa Katipunan Station.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang LRT-2 at inaksiyunan ang problema at inapula ang apoy ngunit iniimbestigahan pa umano nila ang pinagmulan nito.

“ADVISORY: As of 11:24 AM, LRT-2 operation is temporarily suspended. Investigation and intervention is ongoing. Apologies for the inconvenience,” paabiso ng LRTA.

“UPDATE: The fire that was seen along the carriageway between Anonas & Katipunan stations was caused by the tripping off of Rectifier Substation (RSS) 5 located at Katipunan station,” anito pa. “As of writing, the cause of this incident is still being investigated upon.”

“As of writing, said fire has been contained,” dagdag pa ng LRTA. “We will keep you posted with the developments as soon as details are available. Our sincerest apologies.”

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin naman nababalik sa normal ang biyahe ng naturang dalawang rail lines, ngunit tiniyak nila ginagawa ang lahat upang maayos ang naging problema.

Ang LRT-1 ay bumibiyahe mula sa Roosevelt, Quezon City hanggang Baclaran, Parañaque City habang ang LRT-2 naman ang siyang nag-uugnay sa Claro M. Recto Avenue, Maynila at sa Santolan sa Pasig City. Kevin Collantes

 

166

Related posts

Leave a Comment