M-CAVITEX OPERATION IBALIK NA SA GOBYERNO

BINIGYANG-DIIN ng Public Estates Authority Tollway Corporation o PEATC, na kailangan nang maibalik sa kanilang Kontrol ang operasyon at pangongolekta sa Manila Cavite Expressway Project o M-Cavitex.

Sa isang press conference sa Maynila, iginiit ni Dioscoro Esteban Jr., ang OIC ng PEATC, ang karapatan nila na pangasiwaan ang toll road na nag-uugnay sa Katimugang Metro Manila sa Cavite.

Nilinaw rin ni Esteban na operasyon lang ang ipinasa sa kanila ng Metro Pacific Corporation at hindi kasama ang pangongolekta ng tollway kaya nais nila itong maibalik sa kanilang pangangasiwa

Ito rin aniya ang dahilan kaya hindi sila makapagsumite ng audit report sa COA dahil nasa kamay pa ng Cavitex Infrastructures Corporation na nasa ilalim ng Metro Pacific Tollways Corporation.

Nauna nang naghain ng writ of mandamus sa Court of Appeals ang PEATC para makuha ang pamamahala kabilang na sa pananalapi ng tollways.

Kasabay nito, dumepensa si Esteban sa sinasabing pumapangit na serbisyo ng Cavitex at nanindigan na limitado ang magagawa nila lalo at nasa CIC pa ang mas malaking kontrol sa naturang tollways. (JOCELYN DOMENDEN)

49

Related posts

Leave a Comment