MGA PULIS NA MAY KASO NGANGA SA MID-YEAR BONUS

WALANG matatanggap na mid-year bonus ang mga tauhan ng Philippine National Police na mayroong nakabinbing kaso.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng PNP matapos nilang ianunsyo na ini-release na ang halagang P7.6 bilyon para sa kanilang mid-year bonus na katumbas ng kanilang isang buwang basic pay.

“This mid-year bonus, equivalent to one month’s basic pay as of May 15, 2024, is granted to personnel who have served at least four months of service from July 1, 2023, to May 15, 2024.”

Ang bonus na katumbas ng kanilang one-month basic salary ay ibinibigay sa PNP Personnel na naglingkod nang hindi bababa sa apat na buwan mula July 1, 2023 hanggang May 15, 20

Subalit hindi muna makatatanggap ng mid-year bonus ang mga pulis na may kinahaharap na mga kaso at mga nagsisilbi sa parusa bilang bahagi ng disciplinary policy ng PNP

Nabatid na simula noong Mayo 15 ay pumasok na sa ATM Payroll Accounts sa Land Bank of the Philippines ang bonus ng mga pulis. Ito’y kasunod ng pag-release sa mahigit P7.6 bilyong pondo para sa mid-year bonus ng mga alagad ng batas.

Kinumpirma ni PNP chief, Police General Rommel Francisco Marbil na mayroong 228,893 aktibong PNP personnel ang makatatanggap ng nasabing mid-year bonus. (JESSE KABEL RUIZ)

26

Related posts

Leave a Comment