NAGPALAGLAG, KAKASUHAN

(Ni SAMANTHA MENDOZA)

Sasampahan ng kasong abortion ng Manila Police District (MPD)  ang isang 23 anyos na babae dahil sa paglabag nito sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC)  matapos kumpirmahin ng doktor na nag “induced abortion ” ito kaya nalaglag ang fetus sa kanyang sinapupunan, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakaratay sa nabanggit na hospital ang suspek na si Ana, di tunay na pangalan matapos na isugod sa pagamutan nang hindi tumigil ang pagdurugo ng kanyang ari.

Nabatid na dakong alas 11:40 ng gabi ng itawag sa Manila Police District -homicide section ang insidente.

Nalaman na bago dinala sa pagamutan ang babae, inilibing muna nito ang kanyang fetus sa may Manila North Ceme-tery, dakong alas 4 ng hapon.

Gayunman, nang hindi pa rin tumigil ang pagdurugo ng ari at sa takot na rin na may mangyaring masama sa kanya ay nagpadala na ito sa pagamutan.

Nang tanungin ng mga doktor, inamin nito na uminom siya ng gamot na pampalaglag.

5

Related posts

Leave a Comment