NAGTE-TERRORIZE NA ANG CHINA

KUNG dati ay nanghaharass lamang ang China sa West Philippine (WPS) ngayon ay direktang nagte-terrorized o nananakot na ang mga ito kaya labis na itong ikinaalarma sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ginawa ni House Speaker Martin Romualdez ang pahayag matapos banggain ng Chinese Coast Guard ang mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsasagawa ng humanitarian mission malapit sa Escoda shoal.

“This is the second time in about a week that China used its might to harass and terrorize our vessels and personnel inside our own territory,” ani Romualdez dahil noong Agosto 19 ay ganito rin umano ginawa sa Hasa-Hasa Shoal.

Ang Hasa-Hasa Shoal ay 60 nautical miles lamang mula Rizal, Palawan habang ang Escoda Shoal ay 110 nautical miles lamang ang distansya sa nasabing lalawigan habang 1,000 nautical miles ang layo mainland China.

“This area is clearly within the 200-mile exclusive economic zone of the Philippines under the United Nations Convention of the Law of the Sea, to which China and the Philippines are signatories,” ayon kay Romualdez.

Dahil dito, umapela ang mambabatas sa China na igalang ang nasabing batas at itigil ang kanilang agresibong aksyon sa loob ng teritoryo ng Pilipinas upang maiwasan ang mas malaking problema.

“Pursue consultations and dialogue as a way to resolve conflict, and not resort to confrontation and aggression,” ayon pa sa lider ng Kamara.

31

Related posts

Leave a Comment