NCRPO: LABOR DAY PROTESTS MAHAHALUAN NG POLITIKA

ncrpo

Ngayong labor day ay inaasahan ni NCRPO chief, Police Major General Guillermo Eleazar na magiging iba ang mga kilos protesta dahil sa malapit na ang Eleksyon.

Ayon kay Eleazar, hindi maiiwasang mahaluan ng politika ang programa sa protesta lalo pa’t may mga kandidato ang mga party-list group na nakikilahok sa mga pagkilos.

Maaga pa’y binilinan na niya ang kapulisan na gawin ang kanilang trabaho at tiyaking matiwasay ang mga kilos protesta.

Target ng NCRPO na maging maayos at payapa ang lahat ng pagkilos ngayong Araw ng Paggawa at nakabase ang kanilang paghahanda sa mga natanggap nilang intelligence information at historical data.

94

Related posts

Leave a Comment