PAG-BAN NG PROV’L BUS SA EDSA SINUSPINDE

edsabus12

(NI DAVE MEDINA)

SINUSPINDE  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula Lunes ang hindi pagbiyahe ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pansamantalang pagsuspinde sa ban sa mga provincial bus sa EDSA ay dahil sa nakabimbin nilang pakikipagpulong sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“We will continue with the dry run once the guidelines and implementing rules have been ironed out by the three agencies involved,” sabi ni GM Garcia sa mga mamamahayag.

Sinabi pa ni Garcia na ayaw ng MMDA  na maging isyung politikal ang nasabing bus ban lalo ngayong nasa kasagsagan na ang kampanyahan para sa midterm elections ng mga lokal na opisyales ng bayan, kasama na rin ang mga senador.

Gayunman, tuloy pa rin umano ang pagpapatupad ng pagbabawal sa pagsasakay o pagbababa ng provincial bus sa alinmang lugar sa kahabaan ng EDSA.

Layunin ng naunang ban sa provincial bus sa EDSA na mapaluwag ang daloy ng trapiko sa nabanggit na highway .

Sa pakikipagtulungan sa pribadong mamumuhunan, nagtayo ng mga terminal ng bus sa Valenzuela City at Sta. Rosa City sa Laguna.

 

261

Related posts

Leave a Comment