(NI JESSE KABEL)
DAHIL sa pinagtibay na expanded maternity law ay inaasahang lolobo pa ang bilang ng mga babaeng miyembro ng Social Security System (SSS) na mag-aavail ng kanilang maternity benefits kaya asahan din ang paglobo ng ilalabas na pera ng SSS.
Sa datos, nasa mahigit P7 bilyon ang na-disburse ng SSS noong 2018.
Ito ay para matugunan ang mahigit 300,000 babaeng miyembro na nag file at nag-avail ng maternity benefit.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, tumaas ng 12.6 percent ang bilang ng mga female member/benificiaries kumpara sa mahigit P6 bilyong inilabas ng SSS noong 2017.
Paliwanag ni Ignacio “We are glad that we are able to assist more of our female members financially during their pregnancy in 2018. We have recorded an increase of 12.6 percent or 36,550 female members more who availed of the benefit in 2018 compared to the previous year.”
Nabatid na 68.2 percent sa mga kumuha ng benepisyo ay mga employee member habang ang 25 percent ay voluntary members.
Samantala, nakapagtala naman ang SSS ng mahigit P1 bilyong disbursement sa unang dalawang buwan ng taong 2019 o katumbas ng 62,000 beneficiaries.
Nabatid na mula sa dating P32,000 na maximum financial assistance, maaari nang umabot ang maternity benefits ng hanggang P70,000 kung ibabase sa P20,000 monthly salary credit.
Subalit ang pinaghahandaan ngayon ng SSS ay ang full implementation ng 2019 Expanded Maternity Law makaraang lagdaan na ang Implementing Rules and Regulation ng nasabing batas nito lamang Labor Day, Mayo 1.
Inaasahan ng pamunuan ng SSS na mas darami pa ang kukuha ng maternity benefits lalo’t nalagdaan na ang expanded maternity law na nakapaloob sa 105 araw na leave para sa mga ginang na bagong panganak.
179