PAGPATAY NG HAMAS SA 2 OFWs SA ISRAEL KINONDENA NG KAMARA

KINONDENA ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpatay ng militanteng Hamas sa daan-daan inosenteng sibilyan sa Israel kabilang na ang dalawang overseas Filipino worker (OFWs).

“I strongly condemn the pointless killing of two innocent (2) Filipinos caught in the fierce fighting between Israel and Hamas. This senseless violence must immediately stop to avoid further bloodshed and loss of life,” ani House Committee on Foreign Affairs chairperson, Rep. Maria Rachel Arenas.

Sa mga social media post mula sa Israel, kabilang sa 2 OFWs na pinatay ang private nurse na nagngangalang “Angeline” na ayon sa mga ulat ay hindi iniwan ang kanyang inaalagaang matanda kahit may pagkakataon itong tumakas.

Kalaunan ay natagpuan ang bangkay ni Angeline kasama ang matandang inaalagaan sa loob ng bahay ng kanyang amo kaya hinangaan ito sa Israel.

Ayon kay Arenas, isa sa dalawang OFWs na pinatay ng Hamas ay mula sa Pangasinan subalit hindi na ito nagbigay ng karagdagang impormasyon.

“I express my most heartfelt sympathies to you. I know that you feel so much pain especially that your love ones where tragically taken away from you while trying to find safety and escape the combat zone,” ani Arenas.

Sinabi naman ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes na kahanga-hanga aniya ang mga Pinoy caregiver na hindi iniwan ang kanilang mga inaalagaang matanda kahit nasa bingit ang mga ito ng kamatayan.

Isang halimbawa dito ang isang nagngangalang “Levi” na hindi iniwan ang kanyang inaalagaang matanda at bata at tiniyak nito ang kanilang kaligtasan habang walang habas na minamasaker ng Hamas ang lahat ng taong kanilang nakikita.

Samantala, sinabi naman ni House Committee on Overseas Affairs chairman, Rep. Ron Salo, tiniyak ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa ang mga ito anomang oras na kailangang ilikas ang OFWs sa Israel at maging sa Palestine.

“It is reassuring that government agencies mandated for the protection of our migrant workers and overseas Filipinos, particularly DFA, DMW and OWWA, are prepared to meet any contingencies. It is also reassuring that the DND, with our AFP, have vowed to provide all the necessary support to ensure success of our repatriation efforts when needed,” ani Salo.

(BERNARD TAGUINOD)

167

Related posts

Leave a Comment