PALASYO OK SA RECLAMATION PROJECTS SA MANILA BAY

baya

BUKAS ang Malacanang sa reclamation projects sa Manila Bay kahit pa nagbabala ang mga makakaliwang mambabatas na ang pagpapatayo ng imprastraktura ay nangangahulugan ng pagkawala ng tirahan ng mga informal settlers sa paligid ng makasaysayang bay.

Sa Palace press briefing, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na ang pinaplanong reclamation project ay makalilikha ng kita sa gobyerno at trabaho sa mga Pilipino.

Sinabi naman ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao at mga kasamahan sa Makacabayn bloc na kailangang harangin ang ginagawang paglilinis hanggat hindi nakagagawa ng ‘holistic study’ na makaaapekto sa mga informal settlers na nakatira sa paligid ng Manila Bay.

Ayon sa mga leftist lawmakers, sinusuportahan nila ang rehabilitasyon ngunit hindi sa paraang gagamitin ito sa reclamation project na 32,000 hektaryang coastal area para sa 43 infrastructure project.

“‘Wag tayong matali lang doon sa konsepto ng paglilinis at ‘yung plain and simple konsepto ng rehabilitation kung ang susunod pala dito ay reklamasyon,” sabi ni Casilao.

328

Related posts

Leave a Comment