(NI LYSSA VILLAROMAN)
NAGDULOT ng matinding traffic ang payday Friday na nagsimula ng tanghali sa mga motorista na dumadaan ng EDSA.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bukod sa payday Friday na siyang naging dahilan ng mabigat na daloy ng traffic ay sinabayan pa ito holiday rush dahil sa mga taong naghahabol sa pagbili ng regalo at mga dumadalo sa mga Christmas parties.
Ayon sa MMDA naitala nila gamit ang kanilang navigation apps, nasa 12 kilometro kada oras ang average speed ng mga sasakyan sa EDSA.
“Bawat oras parang rush hour na po. Payday Friday, nagmistulang ‘Friday the 13th’. Marami na pong events na nangyayari left and right gaya ng Christmas parties,” ani MMDA spokesperson Celine Pialago.
Ayon pa kay Pialago sa North EDSA kung nasaan ang ilang malalaking malls ay namuo ang trapiko tanghali pa lang.
Dagdag pa ni Pialago na ang ilang motorista ay nagtitiis na lang sa pagko-commute imbes na gumamit ng ride-hailing service lalo’t nagtriple ang pamasahe dito.
Ani pa ni Pialago na sa ngayon ay nakatutok ang mga tauhan ng MMDA sa mga choke point ng EDSA mula Balintawak, North EDSA, Cubao, Ortigas, Shaw, Pasay, at Taft, maging sa mga paligid ng malls.
309