POGO ISLAND SA CAVITE NEXT TARGET NG PAOCC

MAHIGPIT na sinusubaybayan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mahigit 50 Philippine Offshore Gaming Operations site sa iba’t ibang panig ng Pilipinas kabilang na ang Multinational Village sa Parañaque at dating Island Cove Resort sa Cavite.

Naging sentro kasi ng reklamo ang POGO island sa Cavite at ang Multinational Village mula sa kalapit na komunidad at residente ng barangay dahil ang mga lugar ay pinamumugaran na umano ng Chinese nationals, mga pinaghihinalaang ‘sleeper agents’ ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina.

“Nasa 58 na iba’t ibang klase ng online gaming hubs ang minamanmanan ng commission,” ang sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio.

“Hindi na kami naninisi… sayang lang po ang effort namin. We are trying to be proactive about it,” aniya pa rin.

“The PAOCC suspects that some Chinese workers are being transported between different POGO hubs,” ayon pa rin kay Casio sabay sabing “May nakuha sa Bamban na galing Las Pinas. Sa Porac, may nakita kami na mga ID ng mga nagtatrabaho sa Lucky South na nagtatrabaho sa Hong Sheng.”

“Many of these scam farms share employees, transportability. Employees of Lucky South were at one point employees of Hong Sheng or vice versa. So nagpapaikot-ikot lang sila,” ang dagdag na wika nito.

Hindi naman nagtagal ipinag-utos sa Local government officials na pasukin na ang POGO hubs sa kanilang lugar.

Samantala, may ilang ahensya naman ang humikayat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng agarang pagbabawal o ban sa operasyon ng POGO sa Pilipinas , subalit wala pa ring tugon ang Pangulo sa panawagan na ito. (CHRISTIAN DALE)

284

Related posts

Leave a Comment