POLITICAL ADS SA PUV PWEDE — LTFRB

jeep19

(NI JEDI PIA REYES)

PINAPAYAGAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paglalagay ng political advertisements o campaign materials sa mga pampublikong sasakyan.

Gayunman, nilinaw ng LTFRB na kailangang nakasunod sa mga pamantayang itinatakda ng Commission on Elections (Comelec) ang mga gagamiting campaign material.

“LTFRB allows political advertisement placement only in Public Utility Jeepneys (PUJs), Public Utility Buses (PUBs), and taxis as long as it meets the rules and regulations on Election Propaganda set by the Commission on Elections (Comelec), ayon sa LTFRB.

Dapat din umanong nakatugon sa requirements at guidelines na itinatakda rin ng LTFRB para sa pagbibigay ng permit na mai-arangkada ang transit advertisement.

Ang pahintulot ng LTFRB ay alinsunod na rin sa naging desisyon ng Korte Suprema sa petisyon  noon kontra sa pagbabawal ng Comelec sa political ads sa mga PUV.

Paalala ng LTFRB na mahalagang makakuha muna ng permit at mabayaran ang kaukulang fee bago maikabit sa PUV ang campaign materials.

“Failure to abide by the specifications and standards provided under the memorandum has the minimum penalty of P10,000 fine with the maximum punishment of revocation of franchise,” babala pa ng LTFRB.

Kabilang sa mga regulasyon ng LTFRB para sa mga operator ng PUV na maglalagay ng patalastas sa kanilang mga yunit ay kailangang hindi magdudulot ng traffic hazard o hindi mako-kompromiso ang kaligtasan at ginhawa ng mga pasahero o ng publiko; hindi rin nakasasagabal sa “line of sight” ng tsuper; dapat ay nakasunod sa moral at disenteng pamantayan ng political ads; at hindi natatakpan ang pagkakakilanlan at operational information ng PUV tulad ng plaka o body number ng yunit.

Hindi naman pinahihintulutan ng LTFRB ang pagbibigay ng  transit advertising permit sa mga mayruong expired o pasong prangkisa at kahit pa nasa proseso ng pagpapalawig nito at ang mga yunit na suspendido ang operasyon.

 

215

Related posts

Leave a Comment