P32/KILO NG BIGAS UMPISA SA MARSO

bigas20

(NI LILIBETH JULIAN)

KAUNTING panahon na lamang ang hihintaying ng mamamayan dahil sa darating na Marso ay epektibo nang makabibili sa mababang presyo ng bigas ang publiko sa mga pamilihan.

Ito ay matapos ihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na inaasahang sa kalagitnaan ng Marso ay magkakaroon na ng murang bigas sa merkado.

Ayon kay Lopez, mabibili lamang sa halagang P32 kada kilo ang mga imported na bigas kasabay ng panawagan sa sinumang nais mag-import na maaari na silang magsimula.

Una nang inanunsyo na magsisimula na ang tarrified regime sa rice imports sa Marso 3 at maging ang pagsisimula ng transfer ng National Food Authority (NFA) sa Department of Agriculture (DA).

 

5

Related posts

Leave a Comment