PONDO NG DOH SA 2024, TIYAK PANG MADARAGDAGAN

PINAWI ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara ang pangamba ng ilan sa natapyasang pondo ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP).

Sa ilalim kasi ng NEP binawasan ng P10 bilyon ang hinihinging budget ng DOH para sa 2024.

Sinabi ni Angara na tiwala siyang maitataas pa ang pondo ng DOH sa susunod na taon kapag ito ay dumaan na sa pagdinig ng Senado at Kamara at sa pagtalakay ng bicameral conference committee.

Ipinaliwanag ng senador nasa mga nakalipas na taon ay nadadagdagan ang pondo sa programa ng ahensya sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) kaya tiwalang madadagdagan pa ang budget ng DOH bago ito tuluyang pagtibayin ng Kongreso.

Ipinaalala naman ni Senator Risa Hontiveros na nasa gitna pa rin ang bansa ng krisis at bumabangon pa lang mula sa pandemya kaya kahit wala nang public health emergency ay hindi dapat bitawan ang public investment sa healthcare system.

Tiniyak pa ni Hontiveros na kanyang ilalaban sa pag-arangkada ng budget season na dapat nasa top 3 ng expenditure programs ang health services upang sa gayon ay maipatupad na ng husto ang

Universal Health Care Law at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa ating mga kababayan.

(Dang Samson-Garcia)

120

Related posts

Leave a Comment