PUSHER PINATAY SA TULAY

(Ni SAMANTHA MENDOZA)

Patay ang isang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang gunman, kahapon ng madaling araw sa ibabaw ng  Zamora Bridge sa Pandacan, Maynila.

Sinabi ni  PCInsp. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District -homicide section, ang biktima na nasa edad   40-45 ,miyembro ng Sputnik Gang base sa kanyang tattoo ay nakitang duguan nakahandusay sa eastbound lane ng tulay dakong alas 3:45 ng madaling araw.

Nabatid sa pulisya, wala ni isa sa lugar ang nakasaksi sa pamamaril pero hinalang sangkot ang bik-tima sa pagtutulak ng iligal na droga dahil sa nakuhang 15  plastic ng shabu sa kanyang bulsa.

Dinala ang bangkay sa Funenaria Cruz para sa awtopsiya at safekeeping.

Inaalam naman ng pulis ang pagkakilanlan ng biktima at posibleng motibo ng pagpaslang sa biktima.

23

Related posts

Leave a Comment