Nagsanib-puwersa ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at ang Tingog Partylist katuwang si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. upang agad na makapaghatid ng tulong sa mga biktima ng pagbaha sa Davao.
Umabot sa P35 milyon ang halaga ng tulong bukod pa sa 17,500 food packs ang naiparating sa pitong distrito ng probinsya na apektado ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao Region.
Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na nasa 45,000 na pamilya o 187,000 na indibidwal ang apektado ng pagbaha at landslides bunsod ng malakas na pag-ulan mula pa noong Martes dulot ng shear line.
Binigyang diin ni Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mahigit 300 miyembro ang kahalagahan ng agarang pagtugon kasabay ng pagtiyak na hindi mapapatid ang pagkakaloob ng kinakailangang tulong sa mga residente ng Davao Region na naapektuhan ng kalamidad.
“Every moment counts, and we are working tirelessly to ensure that financial aid and essential supplies reach those in need without delay,” sabi ni Speaker Romualdez.
“We understand the gravity of the situation, and our combined efforts aim to alleviate the immediate challenges faced by our fellow Filipinos,” dagdag niya.
Pagtiyak naman nina Tingog Partylist Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ginagawa ng administrasyong Marcos ang lahat para matugunan ang pangangailangan ng mga biktima.
“Our hearts go out to the people of the Davao Region facing the aftermath of this natural disaster,” saad ni Rep. Yedda Romualdez.
“Tingog Partylist is committed to working alongside Speaker Romualdez’s office to ensure that our assistance reaches those who need it most,” sabi naman ni Acidre.
Ayon sa House Speaker, nakikipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para kagyat na mailabas ang tig-P5 milyon tulong sa bawat distrito sa Davao Region sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
Ang naturang tulong pinansyal ay para sa mga distritong kinakatawan nina Reps. Maria Carmen Zamora (Davao de Oro, 1st District), Alan “Aldu” Dujali (Davao del Norte, 2nd District), Cheeno Miguel Almario (Davao Oriental, 2nd District), Nelson Dayanghirang (Davao Oriental, 1st District), at Ruwel Peter Gonzaga (Davao de Oro, 2nd District).
Kasama rin sa inaayudahan ang unang distrito ng Davao del Norte at lone district ng Davao Occidental sa pamamagitan ng tanggapan nina Vice Governors De Carlo “Oyo” Uy at Lorna Bandigan.
Kada distrito ay bibigyan din ng 2,500 food packs, at nagkakahalaga ng P350 ang kada pack.
Malaking tulong ang financial aid para tugunan ang iba’t ibang aspeto ng relief efforts kasama na ang pagsasaayos ng maliliit na istruktura, tulong medikal at ayuda sa mga displaced family.
Inihahanda naman ang food packs na tiniyak na aakma sa nutrisyunal na pangangailangan ng mga indibidwal at pamilya.
118