SANTIAGO BAGONG NBI DIRECTOR

Bilang na ang mga araw ng notoryus sa bansa matapos hirangin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tinaguriang “sharpshooter” ng Manila Police District (MPD) na si Jaime “Jimmy” Santiago.

Si Santiago, pasok sa NBI bilang bagong director kapalit ni director Medardo de Lemos na “out” sa posisyon.

Siya ay nanumpa sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nagtapos si Santiago sa abogasya sa Manuel Luis Quezon University (MLQU) noong 1993 habang nagsilbi itong kagawad ng pulisya.

Tinagurian itong “sharpshooter” noong 1979 nang pumasok sa MPD.

Bago naging judge si Santiago ng Manila RTC Branch 3, naging commander ito ng MPD-Special Weapons and Tactics (SWAT).

Kabilang sa kanyang mga naging accomplishment ay ang anim na insidente ng hostage taking kung saan na neutralisa ang lahat ng suspek. (JULIET PACOT)

181

Related posts

Leave a Comment