SOUTH KOREAN ARESTADO SA FINANCIAL FRAUD

INARESTO ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean na wanted sa mga awtoridad sa Seoul, dahil sa pagkakasanggkot sa financial fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspek na si You Hyun Tea, na nakorner sa Cordova, Cebu ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (FSU).

Sinabi pa ni Tansingco, si You ay pababalikin sa South Korea bilang kautusan sa summary deportation na inisyu ng BI Board of Commissioners noong 2021.

“He was arrested on the strength of a deportation warrant that was issued pursuant to the said deportation order. He was also included in our immigration blacklist which perpetually barred him from re-entering the Philippines,” ayon kay Tansingco.

Si You ay dumating sa bansa noong May 30, 2003 at hindi kailanman bumalik sa kanilang bansa sa 21 taon.

“This time we will make sure that this overstaying alien and wanted fugitive is deported to his country so he can stand trial and be made to pay for his alleged crimes” ani Tansingco.

Ayon kay BI-FSU Acting Chief Rendel Ryan Sy, nag-isyu ng warrant of arrest laban kay You ang Mokpo Branch ng Gwangju District Court noong Pebrero 15, 2020 nang masangkot ito sa fraud at paglabag sa South Korea’s electronic financial transactions act.

Ayon sa mga awtoridad ng South Korea, si You ay nasangkot sa pagpapatakbo ng isang illegal na sports gambling site sa internet na ginamit nila sa pagso-solicit ng pera sa kanilang mga biktima at nagkamal ng malaking kita.

Sinasabi na ang sindikato ay kumita sa kanilang raket ng umabot sa mahigit 110 million won, o US$80,000. (JOCELYN DOMENDEN)

61

Related posts

Leave a Comment