TIRADOR SA MALL SWAK SA SELDA

HINDI nakalusot ang isang 21-anyos na binata makaraang hindi bayaran sa kahera ang bitbit niyang iba’t ibang klase ng mga damit sa isang mall sa Ermita, Manila noong Sabado ng gabi.

Bagsak sa selda ang suspek na si alyas “Johnmark”, jobless, residente ng Barangay 151, Caloocan City.

Base sa report na isinumite nina Police Staff Sergeant Rizaldo Grabillo at Police Corporal Fermin Vincent Manango, kapwa nakatalaga sa J. Bocobo Police Community Precinct, sakop ng MPD-Ermita Police Station 5, bandang alas-7:45 ng gabi nang matimbog ang suspek sa isang mall sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska mula sa suspek ang 33 piraso ng iba’t ibang klase ng mga damit na nagkakahalaga ng P56,242.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Article 308 (Theft) sa ilalim ng Revised Penal Code. (RENE CRISOSTOMO)

22

Related posts

Leave a Comment