TOP 3 MOST WANTED NG NCRPO SA KASONG MURDER ARESTADO

NABITAG ng mga operatiba ng Anti-Terrorist Section ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang 29-anyos na Top 3 most wanted person sa Regional Level makaraang matunton ito sa Barangay Bigaa, Sta. Rosa, Laguna, Linggo ng hapon.

Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, hepe ng Anti-Terrorist Section kay NCRPO Chief BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., alas-5:30 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest sa suspek na si Marvin Panoy sa National Housing Villa, Phase 2, Barangay Bigaa, Sta. Rosa kaugnay ng kasong murder.

Pinangunahan ni Police Captain Teodolfo Artazo ang arresting team.

(RENE CRISOSTOMO)

169

Related posts

Leave a Comment