TRABAHO SA GOV’T OFFICES SINUSPINDE NG PALASYO

malacanang

(NI CHRISTIAN  DALE)

OPISYAL nang sinuspinde ng Malakanyang kanina  ang pasok sa mga government offices at klase sa public at private schools sa lahat ng antas sa  Metro Manila.

Epektibo ang nasabing suspension ng alas-12 ng tanghali kanina, Disyembre 3.

Nakasaad sa Memorandum Circular No. 73, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinagbatayan ng Malakanyang ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at bunsod na rin ng patuloy na pagsama ng lagay ng panahon na dala ni bagyong Tisoy.

Iyon nga lamang, ang mga ahensiyang may kinalaman sa pagbibigay ng  pangunahin at health services, preparedness/response sa mga  disasters at kalamidad ay magpapatuloy sa kanilang operasyon at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.

Samantala, ang suspension naman ng trabaho sa mga  pribadong kompanya at tanggapan ay ipinauubaya na ng Malakanyang sa diskresyon ng namumuno rito.

 

196

Related posts

Leave a Comment