TSINO INARESTO SA TALBOG NA TSEKE

MAKALALAYA kung maglalagak ng piyansa sa halagang P132,000.00 ang 60-anyos na Chinese National na inaresto sa kasong paglabag sa Batas Pambansa bilang 22 (talbog na tseke) sa loob ng Century Park sa Malate, Manila nitong Linggo ng hapon.

Ang suspek ay kinilalang si Albert Abaya, isang negosyante, ng Biak na Bato Street, Quezon City.

Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, bandang 3:30 ng hapon nang masukol ang suspek.

Sa report ni Tangdol, sa pangunguna ng kanyang tauhan na si Police Captain Jose Ric Morellos, hepe ng Station Warrant Section, nabuking ang suspek sa tulong ng isang impormante.
Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Analie B Oga-Brual, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 41 Quezon City, dinakip ang suspek. (RENE CRISOSTOMO)

158

Related posts

Leave a Comment