VIRAL EX-COP HINUBARAN NG LTOPF AT PTCFOR

BINAWI na ng Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) ang License to Own and Possess Firearm (LTOPF) maging ang firearm registration at permit to carry ni Wilfredo Gonzales, ang retiradong pulis na nag-viral dahil sa pananakit at panunutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City.

Sa inilabas na pahayag ng PNP, ipinag-utos na ng Firearms and Explosives Office ang pagbawi sa lisensya at permit ni Gonzales kasunod ng insidenteng kinasangkutan nito malapit sa Welcome Rotonda.

Si Gonzales ay matatandaang nag-viral sa social media matapos manampal, manakit at magkasa ng baril laban sa isang siklista na nakagitgitan nito.

“As a reminder to all licensed citizens, it is of utmost importance to be responsible gun owners at all times. The possession and ownership of firearms are not absolute rights but rather a privilege.

The PNP reserves the authority to revoke LTOPF, Firearm Registration and PTCFOR, especially in cases where there are grounds for revocation and cancellation,” babala ng PNP Civil Security Group.

“Pagkatapos ng komprontasyon na nakita niyo sa viral video, ako at ang siklista ay pumunta kami sa police station kung saan kami ay nagkausap, nagkapatawaran at nagkasundong kalimutan ang nangyari,” ani Gonzales.

Sa Facebook, nagpost si Atty. Raymond Fortun na “Dinala ng pulis ang siklista sa police station.

Doon ay sapilitan sya na pinapirma ng agreement na nagkaayos umano sila at inamin niya na siya ang may mali.

Di lang yon — pinagbayad pa sya ng ₱500 dahil nagasgasan n’ya ang sasakyan ng ex-pulis”.

Sinasabing tinakot na ang siklista kaya ayaw nang maghain ng reklamo gayundin ang vlogger na kumuha at nag-upload ng video kaya binura na nito ang video sa kanyang social media account.

(JESSE KABEL RUIZ)

213

Related posts

Leave a Comment