Mga artista ng ABS-CBN binuweltahan AIRWAVES ‘WAG GAMITIN SA PAMBABALAHURA – SOLON

PINAALALAHANAN ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga artista ng ABS-CBN na huwag gamitin ang airwaves ng mga Filipino para paglaruan ang mga tao.

Sa online press conference, sinabi ni House Minority Leader Bienvenido Abante, pag-aari ng mga Filipino ang airwaves na ginagamit ng ABS-CBN kaya hindi ito dapat gamitin para balahurain ang mga tao.

“I understand there are issues with regard to the network. I believe our airwaves should not be used by celebrities to mock other people for their faith,” pahayag ni Abante.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa huling bahagi ng opposition speech ni House deputy speaker Rodante Marcoleta sa prangkisa ng ABS-CBN, inilabas nito ang video ng pambabalahura ng talent ng nasabing network na si Vice Ganda kay Pastor Apollo Quiboloy.

Kilala rin si Vice Ganda sa pagmemenos sa itsura ng kanilang mga viewers at ginagawang katatawanan ang mga tao na ayon kay Abante ay isa sa mga may-ari ng libreng airwaves ng kanilang network.

Hindi aniya magandang tingnan na gawing katatawanan ang itsura ng mga tao na karaniwang ginagawa ni Vice Ganda sa kanyang mga TV show dahil nakasasakit ito ng damdamin.

“These (airwaves) should be used to educate our people and to inculcate family values––including tolerance and respect for the beliefs of others,” payo pa ng mambabatas.

Samantala, sinabi ni Marcoleta na naghamon si Vice Ganda na ipatigil ang “Ang Probinsyano” na nangyari matapos ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang network noong Mayo 5, 2020 matapos mapaso ang kanilang prangkisa.

“Mr. Speaker, ABS-CBN post the challenge, obviously the challenge was accepted, there is no reason to complain,” ani Marcoleta. BERNARD TAGUINOD

207

Related posts

Leave a Comment