BUMISITA si Representative Dibu Tuan ng Third District ng South Cotabato sa Senado upang mag-courtesy call sa mga senador ng 20th Congress upang magkaroon ng magandang ugnayan sa kanila. Nasa larawan ang pakikipaghuntahan niya kina Senator Imee Marcos at Senator Rodante Marcoleta sa plenaryo. (DANNY BACOLOD)
TIWALA ang minority senators na kung sakaling mabaligtad ang desisyon ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ay susunod ang Senado.
Kasabay nito, tiniyak ni Senador Panfilo Lacson na kapag nangyari ito ay pangungunahan niya ang mosyon upang i-pull out sa archive ng Senado ang impeachment complaint at muling talakayin.
Sinabi ni Lacson na bukod sa kanya, posibleng makasama niya si Senate Minority Leader Tito Sotto na magmosyon upang makuha ito sa archive at matalakay muli.
Ayon pa kay Lacson, bagama’t mas mabuting i-archive sa halip na tuluyang i-dismiss ang articles of impeachment, masalimuot pa rin ang proseso kung sakaling magbago ang pasya ng Korte Suprema at payagan ang impeachment trial.
Sinabi naman ni Sotto na naniniwala siyang hindi na pahihirapan ng kanilang mga kasamahan ang kanilang pagnanasa na buhayin o hugutin sa archive ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Malinaw aniya sa kanilang napagbotohan noon nakaraang linggo na kapag bumaligtad ang desisyon ng Supreme Court maaaring buhayin tulad ng napagkaisahan ang impeachment complaint.
Naniniwala si Sotto na may nagsisinungaling sa mga kasamahan at hindi susunod sa napagkasunduan na sila ay susunod sa Korte Suprema sakaling baligtarin ang desisyon.
(DANG SAMSON-GARCIA)
