MOST WANTED SA MURDER NABUSLO SA TONDO

ARESTADO ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District – Delpan Police Station 12, ang isang most wanted person sa kasong murder, noong Lunes ng umaga sa Tondo, Manila.

Kinilala ang suspek na si Michael Cañete, 35, binata, construction worker, at naninirahan sa Parola Compound, Tondo, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Ferdinand Omli, hepe ng Warrant and Subpoena Section, kay Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, station commander, bandang alas-11:15 ng umaga nang damputin ang suspek sa naturang lugar.

Ang suspek ay top 4 most wanted person, district level, habang top 1 naman sa station level.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Maria Lourdes Estrada Mislang, ng Regional Trial Court Branch 38.

Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa nasabing kaso ng suspek. (RENE CRISOSTOMO)

4

Related posts

Leave a Comment