INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang inmate dahil sa kasong murder, sa loob mismo ng selda ng Manila City Jail sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ang inaresto na si Lexter Betito alyas Jomarie Betito y Padernal, ng Gate 46, Parola Compound, Tondo, Manila.
Base sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng MPD- Station 13, bandang alas-3:00 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek. (RENE CRISOSTOMO)
