NAKATAKDANG BAR EXAMS TULOY

WALANG pagbabago sa isasagawang bar examination ngayong 2022 mula sa orihinal na iskedyul, ayon sa Supreme Court (SC).

Pahayag ito ng SC matapos lumutang ang mga agam-agam na posibleng masuspinde ang pagsusulit dahil sa naging pinsala ng bagyong Paeng sa iba’t ibang parte ng bansa.

Ayon kay SC spokesperson Brian Hosaka, tuloy ang pagsunod nito sa inilabas na Bar Bulletin No. 6, S. 2022 ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, na pagdaraos ng mga pagsusulit sa Nobyembre 9, 13, 16 at 20.

Ipagpapatuloy rin ng SC ang paggamit ng Examplify, isa umanong “secure” na “examination delivery program” na matagumpay na ginamit nila noong 2021.

“The examinees will use their own devices in their preferred venue, monitored by in-person proctors and closed-circuit television cameras in the exam rooms,” ayon sa SC.

Kung matutuloy, nasa 9,916 law graduates ang inaasahan na sasabak sa eksaminasyon na isasagawa sa 14 local testing centers (LTCs) sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga nabanggit na petsa.
Napag-alaman pa na nasa 10,075 law graduates ang orihinal na nag-aplay at natanggap ngunit nasa 159 sa kanila ang inatras ang aplikasyon. (RENE CRISOSTOMO)

419

Related posts

Leave a Comment