NAKATULOG HABANG NAGMAMANEHO TRIKE DRIVER PATAY SA VAN

DEAD MAN

NUEVA VIZCAYA – Patay ang isang lalaki nang sumalpok ang kanyang minamanehong tricycle sa kasalubong na van sa national highway ng Barangay San Luis sa bayan ng Solano.

Kinilala ang biktimang si Romeo Credo, 51-anyos, ng nasabing lugar.

Sinabi ni P/MSgt. Michael Querimit, base sa kanilang imbestigasyon, inagaw ng tricycle ang linya ng van na noon ay katatapos lang mag-overtake sa sinusundang kotse.

“Iyon nga ang hindi namin malaman kung bakit nag-encroached kasi wala namang kanto na pwede niyang pasukan doon. Ang palagay namin, baka nakatulog o nakainom,” dagdag ni Querimit.

Dinala  sa ospital ang tricycle driver ngunit idineklarang dead-on-arrival. (KIKO CUETO)

 

167

Related posts

Leave a Comment