NAMATAY NA PULIS, POSITIBO SA COVID-19

POSITIBO sa corinavirus disease 2019 (COVID-19) ang namatay na miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group na nakabase sa Manila Police District Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila.

Ito ang kinumpirma ni NCRPO Regional Director Debold Sinas sa ginanap na press briefing matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Kasabay nito, sinabi ng pamunuan ng Manila Police District (MPD), magsasagawa ng contact tracing para malaman kung sino-sino pa ang nakasalamuha ng biktima bago ito namatay.

Una nang isinailalim sa quarantine ang lahat ng nakasama sa opisina ng pulis na namatay.

Sa impormasyon, may diabetes ang pasyente at tatlong buwan na ang nakararaan nang dumanas ng matinding ubo pero hindi nagpa-check-up.

Ilang ulit itong nagpa-doktor hanggang sa tuluyang ma-confine sa Manila Adventist Medical Center nitong Marso 9 dahil sa lagnat, tonsil infection at posibleng pneumonia.

Bandang ala-8:00 ng gabi noong Sabado, Marso 14, nang bawian ng buhay ang biktima dahil sa respiratory failure sa nabanggit na pagamutan.

Sa Marso 20 ay iki-cremate ang bagkay ng pulis. (RENE CRISOSTOMO)

 

148

Related posts

Leave a Comment