10 SA 15 BATANG PINOY MAY MENTAL HEALTH ISSUE

INIULAT ng Council for the Welfare of Children na isang concern na maituturing ang mental health sa Pilipinas at hindi absuwelto rito ang mga bata.

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Council for the Welfare of Children Public Affairs and Information Head Elino Bardillon na lumilitaw na mula sa 3,000 batang kanilang kinapanayam ay nadiskubre nilang tatlo sa lima sa mga ito ay dumaraan sa stress at anxiety at ang dahilan ay psychological abuse.

Mas lalo pa aniyang lumala ang sitwasyon ng mental health nang magsimula ang pandemya.

Bukod dito, lumabas din aniya sa ginawang situational analysis ng UNICEF na sampu hanggang labing-limang porsyento ng mga batang Pilipino ay may problema sa mental health.

Importante ani Bardillon na mabigyan ng respeto ang karapatan ng bawat bata at sa pamamagitan aniya ng National Children’s Month na ginagawa tuwing Nobyembre ay mapagtutuunan ng kaukulang pansin ang Children’s rights.

Samantala, target ani Bardillon sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Bata na maitaguyod ang kapakanan ng mga ito at ma-highlight ang nangyayari o sitwasyon ng mga bata at paano ito matutugunan. (CHRISTIAN DALE)

29

Related posts

Leave a Comment