(NI BERNARD TAGUINOD)
NAGWAKAS na Martes ng gabi, Hunyo 4,2019 ang 17th Congress.
Bilang tradisyon ng Kongreso tuwing sine-die ng Kongreso ang House Minority Leader sa katauhan ni Quezon Rep. Danilo Suarez ang tumayong presiding Speaker at nagsara ng session ng 17th Congress.
Nagsimula ang 17th Congress noong Hulyo 2016 kung saan si dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang namuno sa Kapulungan subalit tinanggal ito noong Hulyo 2018 at pinalitan ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo.
Gayunman, tanging si Alvarez at mga top officials nito ang pinalitan sa kani-kanilang puwesto habang nanatili naman si Suarez bilang lider ng Minority bloc ng Kapulungan.
Bago nagsara ang 17th Congress, ipinaalam muna ng liderato ng Kapulungan sa pamamagitan ni Arroyo sa Office of the President na magsi-sine-die na ang 17th Congress, Martes ng gabi.
Sa kanyang farewell speech, ipinagmalaki ni Arroyo ang mga batas na naipasa sa kanyang pamuno tulad ng Bangsamoro Organic Law, Bangsamoro Organic Law , Sin tax Bill, Rice Tariffication Law, Endo-bill, at iba pa.
“We are all on a journey together. As our nation moves forward, let us all join hands in unity and walk confidently towards a better tomorrow. From the bottom of my heart, I thank you for giving me the honor and privilege of serving you.This session of the 17th Congress is adjourned sine die,” ani Arroyo na hudyat ng pagtatapos ng session ng 17th Congress.
Matapos ito, isang seremonya para sa mga graduating members ng Kamara sa pangunguna ni Arroyo na nakatatlong tuluy-tuloy na termino bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga.
Umaabot sa 74 congressmen/women ang grumadweyt na kinabibilangan ng 67 District congressmen at 7 party-list congressmen mula sa iba’t ibang party-lists organization.
Kabilang sa mga grumaduweyt si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, dating House majority leader Rodolfo Farinas, ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus.
178