“MAGHAIN siya ng kaso.”
Ito ang ipinayo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kay dating Presidential spokesperson Harry Roque kaugnay sa tinutukoy nitong opisyal ng PhilHealth na bahagi ng mafia.
“Di ba dati na namang may ongoing investigation. Kung mayroon siyang mabigat na ebidensiya laban sa sinumang PhilHealth officials, then he should file the appropriate charges,” hamon ni Panelo.
Una nang ibinunyag ni dating PhilHealth board member Roberto Salvador na peke ang mga pangalan na pinalutang sa Senate Blue Ribbon Committee gaya nina PhilHealth Regional Vice-Presidents Paolo Johan Perez (Region IV-B), Khaliquzzaman Macabato (Autonomous Region in Muslim Mindanao), William Chavez (Region VII), Dennis Adre (Region XI), at Masidling Alonto Jr. (Region X).
Pinangalanan din si PhilHealth Assistant Corporate Secretary Valerie Anne Hollero, PhilHealth Caraga legal officer Jelbert Galicto, at dating Region XII vice-president Miriam Grace Pamonag bilang miyembro ng grupo.
Bunsod nito, ipinanukala ni Roque sa pamahalaan na magsagawa ng motu propio investigation kung saan ang mga dapat imbestigahan ay dating board at dating pangulo ng PhilHealth na si Roy Ferrer.
Kaugnay nito, nilinaw ni Panelo na hindi suportado ng Malacanang ang nais ni Roque.
“We do not support anything. We’re always for the rule of law. Whatever or anybody who wants to file any case against any officials, let the law takes it course. Palaging iyan ang stand ng Office of the President (OP),” paliwanag ni Panelo.
Gayunman, sa ngayon ay wala pa naman natatanggap na final report si Panelo mula sa tanggapan ng Pangulo.
Base sa ulat, sinabi ni Roque, abogado ng dalawang whistleblowers na nagbunyag ng ghost dialysis sessions, dapat managot ang mga matataas na opisyal ng PhilHealth.
Ang dating hepe ng PhilHealth na si Roy Ferrer ay sangkot sa mga alegasyon ng kwestyonableng transaksyon.
Sa Senate hearing, itinuro nina Ferrer at dating PhilHealth board member Roberto Salvador Jr. ang ilang regional vice presidents na parte ng isang mafia na tumutulong sa mga ospital na dayain ang ahensya ng pamahalaan.
113