2 SWIMMING INSTRUCTORS SA PMA PINASISIBAK SA SERBISYO

(NI AMIHAN SABILLO)

TAPOS na ang imbestigasyon ng pamunuan ng Philippine Military Academy (PMA) hinggil sa pagkalunod at pagkamatay ni Cadet 4CL Mario Telan, Jr.

Ayon sa PMA, nakitaan nila ng kapabayaan ang dalawang civilian instructors na sina Robert Bete at Antonio Catalan sa pagkamatay ni Telan.

Dahil ditto, inirekomenda ng PMA na matanggal sa serbisyo si Bete at Catalan at mapatawan ng penalties.

Maliban dito ay pinapa-forfeit din ang retirement benefits nito, papatawan pa ng perpetual disqualification from holding public office at pagbabawalan din na kumuha ng civil service examinations.

Ang ipinataw na mga parusa ay base sa Rule 10, Section 46 of Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service.

Samantala, tinitingnan na rin ang parusa para sa dalawang 4th class cadet marchers na responsable sa pag-account ng kanilang mga kaklase bago at pagkatapos ng swimming gayundin ang pinuno ng Sports and Physical Development Unit.

Nananatili namang suspendido ang swimming classes ng mga kadete sa lahat ng antas hanggang sa may mailatag na safety measures.

Tinitingnan naman ngayon ng PMA na magtalaga mula sa Philippine Navy Special Operations Group para maging bahagi ng water-borne training activities ng mga kadete.

 

421

Related posts

Leave a Comment