34 NA BIKTIMA NG PAPUTOK NAITALA NG DOH

(NI KIKO CUETO)

PUMALO na sa 34 ang bilang ng mga sugatan nang dahil sa paputok sa buong bansa, ayon na rin sa tala ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang 34 na kaso ay naitala sa National Capital Region, Ilocos, Cagayan Valley, CALABARZON, at sa Bicol.

Wala pa namang namamatay nang dahil sa paputok.

Karamihan sa mga naiatalang mga suatan ay dahil sa boga – isang improvised cannon na gawa sa mga PVC pipes.

Kasama na rin diyan ang mga lusis at piccolo.

Ang natitira ay dahil sa kwitis, whistle bomb, at five star.

Pero, sinabi ni Duque na ang bilang ay indikasyon na pababa ang naturang bilang.

“Mula December 21 to December 27 reporting period, nagkaroon tayo ng 22 cases ng firework-related injury at ito ay 35% lower than the 34 listed number of cases noong 2018,” sinabi ni Duque.

“Ito ay mababa ng 79-80% ng five-year average na 103,” dagdag niya.

Muli namang hinikayat ni Duque ang publiko na gumamit na lang ng torotot, o mga kaldero para mag-ingay sa pagsalubong sa bagong taon.

Nitong Sabado nakakumpiska ang PNP ng mga iligal na paputok sa Bocaue, Bulacan.

Muli namang sinabi ni PNP officer-in-charge Lieutenant General Archie Francisco Gamboa ang mga bawal na paputok, na kibabibilangan ng piccolo; watusi; giant whistle bomb; giant bawang; large Judas belt; super lolo; lolo thunder; atomic bomb; atomic bomb triangulo; pillbox; boga; kwiton; goodbye earth; goodbye bading; hello Columbia; at goodbye Philippines.

Tanging 124 firecracker dealers at 24 manufacturers lamang ang pinayagan sa Bocaue.

 

 

240

Related posts

Leave a Comment