35-K DAGDAG-PWERSA NG MILITAR SA MINDANAO INIUTOS NI DU30

isis

(NI CHRISTIAN  DALE)

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na dagdagan ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mabantayang mabuti ang Mindanao dahil sa banta ng terorismo.

Ani Duterte, kailangan ang 35,000 dagdag na puwersa pero kung hindi pa aniya kakayanin ng pondo ay puwede na ang 20,000 para sa bagong recruitment.

Pumiyok ang Chief Executive na isa sa matinding pinangangambahan nito ay ang banta ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria na nakapasok na aniya sa ilang lugar sa Mindanao.

“We need men and as a matter of fact I have ordered Lorenzana to move faster sa creation ng mga bagong battalion ng army. We need… ideally I need about 35, but I would be happy with 20 in the meantime,” ayon kay Pangulong Duterte.

Aniya pa, ang ikinatatakot lamang niya ay kapag lumabas sa mga isla ng Sulu ang ISIS at kumalat sa ibang panig ng Mindanao.

Inamin ng Pangulo na ang banta ng terorismo ang kinatatakutan niya kaya kailangan ang mahigpit na pagbabantay laban sa mga ito.

“If there is one thing that would give me sweat in the hands at parang natatakot ako, would be the threat of terrorism. Yan ang bantayan natin,” anito.

Kaya nga, mas mabuti aniyang nakapaghanda sa mga hindi inaasahang sitwasyon kahit pa makailang beses nang nakaranas ang Mindanao ng karahasan at terorismo.

180

Related posts

Leave a Comment