90 PULIS SIBAK MULA OKTUBRE — PNP

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT na sa 90 ang bilang ng mga pulis na sinibak sa tungkulin sa loob ng nakalipas na dalawang buwan, matapos masangkot sa ibat-ibang illegal na gawain.

Ito ang ibinunyag  ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge P/Lt. Gen. Archie Gamboa nitong Sabado sa isang  interview matapos ang isinagawang inspection sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

“We have dismissed almost 90 policemen for the last 2 months, or an average 2 policemen every day,” pahayag ni Gamboa sa media.

Idinagdag pa ni Gamboa na nitong Biyernes lamang ay nilagdaan niya ang dismissal order laban sa ilang police colonel upang ipakita na hindi nila sasantuhing patawan ng parusa kahit mga matataas na opisyal sa kanilang hanay.

Ang pagsibak sa mga tiwaling pulis ay bilang kaparusahan alinsunod sa pinaigting na internal cleansing sa PNP.

Simula ng manungkulan bilang OIC ng PNP, itinuturing ni Gamboa na isang malaking hamon sa pambansang pulisya na mapanumbalik ang tiwala sa kanila ng publiko.

Gayunman nangako si Gamboa na higit pa nilang palalakasin  ang umiiral na internal cleansing laban sa mga tiwaling miyembro ng PNP.

 

157

Related posts

Leave a Comment