(NI HARVEY PEREZ)
TINANGGAL ng Supreme Court (SC) sa kanyang tungkulin ang isang abogado na napatunayang nagpalsipika ng mga detalye ng kanyang anak sa birth certificate at ng hindi na suportahan ang kanyang menor de edad na anak.
Napapaloob sa per curiam decision ng Court En Banc, napatunayan na si Atty. Amador B. Peleo III ay guilty sa gross unlawful, dishonest at deceitful conduct na paglabag sa Rule 1.01, Canon 1 ng Code of Professional Responsibility.
Iniutos na rin ng SC matapos na idisbar na alisin na sa Roll of Attorney si Peleo.
Nabatid na si Peleo ay sinampahan ng kaso noong 2011 matapos magreklamo si Marife Venzon kung saan may anak na lalaki si Peleo.
Pinagbasehan ng SC sa pag-disbar kay Peleo ay ang pagkakaroon nito ng sexual relation kay Marife kahit siya ay may legal na asawa. Pinalsipika nito ang detalye ng birth certificate ng kanyang anak kung saan inilagay nito na legal siyang kasal kay Marife; at paulit ulit na hindi pagbibigay ng suporta sa kanyang menor de edad na anak; at ang hindi nito seryosong paghahain ng petition for annulment ofmarriage sa kanyang legal na asawa.
Ang mga ginawa ni Peleo ay isa umanong seryosong kawalan ng paggalang sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Bukod pa rito, ang patuloy niyang pag avail ng benepisyo ng isang senior citizen, gayong hindi pa siya senior citizen.
203