(NI NOEL ABUEL)
IPINAGTANGGOL ni Senador Richard Gordon si Public Attorney’s Office chief Persida Acosta laban sa mga nananawagan na pag-resign ito sa posisyon dahil sa usapin ng vaccination program ng pamahalaan.
Ayon sa senador, walang dahilan upang bumitiw sa tungkulin si Acosta dahil sa nangyayaring kaguluhan sa programa ng Department of Health (DoH).
“Hindi naman ako pabor doon sa resignation dahil at least masigasig siya sa mahihirap. Okay na sa akin ‘yun. Pagbigyan na natin ‘yun,” sabi ni Gordon sa panayam sa radyo.
Aniya, ginagawa lamang ni Acosta ang tungkulin nito na maprotektahan ang taumbayan sa usaping legal.
“Persistent talaga siya, and I give her credit for that. Kung hindi mo gagawin ‘yan, hindi matatakot itong mga DOH,” dagdag pa ni Gordon.
Magugunitang isa si Senador Risa Hontiveros ang una nang nananawagan g pagbibitiw ni Acosta dahil sa umano’y nagdudulot lamang ng kalituhan at kaguluhan ang ginagawa nito sa usapib ng bakuna.
Paliwanag pa ni Gordon, na sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee, kaugnay ng pagbili sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine, ay walang idinulot na kaguluhan si Acosta nang humarap ito sa imbestigasyon ng nasabing komite.
“Humarap naman si Persida sa akin. Hindi naman siya nag-hysteria doon. Sabi ko, ‘Ito ay investigation natin sa procurement. Kung meron talaga tayong ebidensiya papapasukin kita. Kung wala, hindi,'” ayon pa dito.
Giit pa ng senador na hindi dapat haluan ng pulitika ang Dengvaxia issue lalo na at may kinalaman lamang ito sa kurapsyon.
163